PatrolPH

Maynilad may babala ukol sa kakulangan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2023 06:39 PM | Updated as of Mar 31 2023 12:16 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA (UPDATED) - Lalala ang sitwasyon ng mga kustomer ng Maynilad kung hindi mapagbibigyan ang hirit nilang lakihan ang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam, ayon sa water concessionaire. 

Nasa 48 per cubic meters per second ang pinayagang release ng tubig mulla Angat Dam ng National Water Resources Board.

"Posibleng dumami pa more than 1 million ang maaapektuhan and mas hahaba ang oras... Kasi kung kokontian namin ang affected customers posibleng merong customers na walang tubig 24 hours walang tubig, araw-araw yun ang iniiwasan namin," ani Maynilad Water Supply Operations head Engr. Ronald Padua. 

Pero nag-aalangan dito ang NWRB. 

"Kasi kung magbibigay tayo ng todo ngayon, itodo natin ngayon baka pag panahon ng El Nino, mas mahihirapan naman tayo, kailangan po nating balansehin," ani NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr. 

Sinabi ni David Jr. na tinitingnang mabuti ang hiling na gawing 52 mula sa 50 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig. 

Paliwanag ng Maynilad, kaya kinulang ang suplay nila dahil may tagas umano sa aqueduct o malaking tubo mula Angat dam pababa sa La Mesa Portal Facility. 

"Mayroon ding mga illegal connections. Sinasara namin itong mga illegal connections na ito at pinapaigiting namin despite the facts na may designated security sa buong stretch na yun, medyo nasasalisihan pa rin po kami ng mga illegal users," ani Padua.—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.