ALAMIN: Bawas-presyo sa petrolyo simula Marso 30

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2020 01:33 PM

Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na muli silang magpapatupad ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto simula Lunes, Marso 30.

Ayon sa Caltex at Seaoil, simula Lunes ay tatapyasan nila nang P2 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P0.50 sa kada litro ng diesel, at P1.95 sa kada litro ng kerosene.

Sa Martes, Marso 31 naman magpapatupad ang Cleanfuel, Petro Gazz, at Shell ng bawas na P2 sa kada litro ng gasolina at P0.50 bawas sa kada litro ng diesel.

Babawasan din ng Shell nang P1.95 ang presyo ng kada litro ng kanilang kerosene sa Martes. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.