(UPDATE) Kasado na ang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Marso 28.
Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad nilang rollback:
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.30/L
KEROSENE -P1.90/L
Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.30/L
Shell, Seaoil, Petron, Jetti Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.30/L
KEROSENE -P1.90/L
Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.30/L
Ang rollback ay bunsod ng patuloy na pangamba ng global recession o paghina ng mga ekonomiya sa buong mundo, pati ng pagsasara ng ilang bangko sa Amerika at Switzerland.
Bukod sa petrolyo, namumuro ring bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Sabado, Abril 1 dahil sa pagbaba umano ng contract price sa world market.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.