PatrolPH

Duterte payag sa pagtaas ng pork importation sa bansa

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2021 10:24 PM

MAYNILA - Nagpadala na ng liham si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para sabihin payag siya na itaas ang minimum access volume (MAV) o dami ng mga iaangkat ng bansa na karneng baboy sa taon na ito. 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nitong Biyernes, nirerekomenda ng Pangulo na itaas ito sa 350,000 metric tons, na dagdag sa kasalukuyang 54,210 metric tons na pinapayagan para sa taong ito. 

Aniya, ito'y para madagdagan ang supply ng baboy sa bansa, ma-stabilize ang pagtaas ng presyo nito, at tugunan din ang isyu sa food security. 

Nilinaw naman ni Roque na rekomendasyon lang ito Pangulo at kailangan pa ring sang-ayunan ng Kongreso. 

Matatandaang una nang nirekomenda ng Department ng Agriculture ang pagtataas ng MAV dahil sa kakulungan ng supply ng karneng baboy sa bansa dulot ng African Swine Fever.--Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.