MAYNILA - Tumaas ng 2-5 piso ang kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila, batay sa price monitoring ng Department of Agriculture.
Aabot sa P60 kada kilo ang pinakamahal na bigas sa mga palengke sa Metro Manila.
Imported Commercial Rice
Special: P50-P58
Premium: P43-P52
Well-milled: P40-P46
Regular milled: P37-P44
Local Commercial Rice
Special: P48-P60
Premium: P42-P49
Well-milled: P38-P46
Regular milled: P34-P40
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dulot ng mahal na pataba at langis.
"Hindi lang sa ating bansa tumaas ang bigas sa Thailand, Pakistan, Vietnam at India kung makita mo ang world market tumaas sila ng $100 per metric tons," ani SINAG President Rosendo So.
Sa Commonwealth at Trabajo Market, parehong ubos ang P36 at P38/kilo na bigas.
Muling iginiit ng grupo na maaaring hindi pa kayanin ang P20 kada kilo na bigas na ipinapangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
"In-explain namin kay pangulo na hindi ganoong kabilis it will take time kung manormalize ang presyo ng fuel," ani So.
-- Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.