Petrolyo may taas-presyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2019 12:52 PM | Updated as of Apr 08 2019 04:35 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Abril 9, ayon sa mga oil firm.

Tataasan ng Shell, Petro Gazz, SEAOIL, TOTAL, Eastern Petroleum, Unioil, Caltex, at PTT Philippines ng P0.25 ang kada litro ng gasolina at P0.20 ang kada litro ng diesel.

Magpapatupad naman ang Shell, Caltex, at SEAOIL ng P0.10 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

--May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.