Presyo ng petrolyo may malaking rollback sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2020 01:22 PM | Updated as of Mar 23 2020 06:59 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Marso 24.

Ayon sa Caltex, Seaoil, PTT Philippines, Petron, at Flying V, tatapyasan nila nang P3.50 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina at P2 sa kada litro ng diesel.

Babawasan din nang Caltex, Seaoil, Petron, at Flying V ng P3.50 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.