PatrolPH

#WalangTubig: Ilang lugar sa Rizal, Marso 24-25

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2021 01:19 PM

MAYNILA – Inabisuhan ng Manila Water ang mga kostumer nito mula sa ilang parte ng Rizal province na mag-ipon ng sapat na tubig para sa nakatakdang service interruption simula gabi ng Miyerkoles hanggang umaga ng Huwebes.

Ayon sa Manila Water, makararanas ng service interruption ang ilang bahagi ng Rizal mula alas-6 ng gabi ng Miyerkoles hanggang alas-6 ng umaga ng Huwebes bunsod ng maintenance activity sa isa nilang station sa Barangay Mambugan, Antipolo.

Apektado umano ng interruption ang nasa 102,656 kabahayan at establisimyento.

Narito ang mga apektadong barangay:

Antipolo

  • Bagong Nayon
  • Beverly Hills
  • Mambugan
  • Mayamot
  • Cupang
  • Dalig
  • Dela Paz
  • Sta. Cruz
  • San Isidro
  • San Roque
  • San Luis
  • San Jose
  • San Juan
  • Inarawan

Teresa

  • Poblacion
  • San Gabriel
  • May-Iba
  • Dulumbayan
  • Calumpang
  • Sto. Cristo
  • Prinza
  • Bagumbayan
  • Dalig
  • San Roque

Morong

  • San Guillermo

Taytay

  • Dolores

Angono

  • Mahabang Parang
  • San Roque

Binangonan

  • Tayuman
  • Pag-asa
  • Pantok
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.