PatrolPH

Diesel, kerosene may bawas-presyo simula Marso 23

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2021 12:49 PM | Updated as of Mar 22 2021 06:58 PM

MAYNILA (UPDATE) – Nag-abiso ang mga oil firm na magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Marso 23.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Caltex, Unioil, Petron, Flying V at PTT Philippines, P0.35 ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Tatapyasan naman ng Shell, Seaoil, Caltex, Petron, Flying V nang P0.45 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel, alas-8:01 ng umaga.

Nauna nang sinabi ng mga taga-industriya na isa sa mga dahilan ng rollback ay ang pagsuspende ng COVID-19 AstraZeneca vaccinations at travel restrictions sa ilang bansa sa Europa.

– Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.