PatrolPH

Presyo ng diesel may higit P11/L bawas sa Marso 22

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2022 09:26 AM | Updated as of Mar 21 2022 07:47 PM

A motorcycle rider stops for a refill at a gasoline station in Manila on February 26, 2022. Gasoline prices which already increased for 8 straight weeks recently are expected to rise further amid the escalating conflict between Ukraine and Russia. George Calvelo, ABS-CBN News
A motorcycle rider stops for a refill at a gasoline station in Manila on February 26, 2022. Gasoline prices which already increased for 8 straight weeks recently are expected to rise further amid the escalating conflict between Ukraine and Russia. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) — Matapos ang 11 sunod-sunod na linggong oil price hike, magkakaroon ng malaking bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes (Marso 22), ang pinakaunang rollback ngayong 2022.

Ayon sa kani-kanilang mga abiso, narito ang ipatutupad na price adjustments:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL -P11.45/L
GASOLINA -P5.45/L
KEROSENE -P8.55/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
DIESEL -P11.45/L
GASOLINA -P5.45/L
KEROSENE -P8.55/L

Petro Gazz, Total, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL -P11.45/L
GASOLINA -P5.45/L

Eastern Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL -P11.50/L
GASOLINA -P5.50/L

Jetti Fuel (Alas-6 ng umaga)
DIESEL MASTER -P11.45/L
ACCELRATE -P5.45/L
JX PREMIUM -P5.45/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
DIESEL -P11.45/L
GASOLINA -P5.45/L

Pero kahit may rollback, malaki pa rin ang iminahal ng presyo ng produktong petrolyo sa nagdaang 11 linggo.

Mula Enero 1 hanggang Marso 21, umabot na sa P30.65 ang kabuuang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at P20.35 sa gasolina.

Nagsimula din ulit sumipa ang presyo ng langis sa world market noong Biyernes at ngayong Lunes.

Watch more on iWantTFC

Ipinaliwanag ng mga analyst na hangga't may giyera sa Ukraine, mananatiling mahal ang langis at iba pang commodities na galing Ukraine at Russia. 

Malikot umano ang presyo ng langis sa world market dahil sa geopolitical issues gaya ng Russia-Ukraine war at COVID-19 surge sa China, kaya walang katiyakang masusundan ang rollback sa Martes.

"I-manage po natin ang ating expectations kasi 'yong mga factors na nagiging dahilan ng pagtaas o pagbaba, hindi nasa kontrol ng Pilipinas o ng kung sino man kaya dapat patuloy pa rin ang gawin nating pagtitipid," sabi ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Samantala, may namumurong rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas sa Abril, na puwedeng maglaro sa P1.50 hanggang P3 kada kilo.

Pero dahil maaga pa, maaaring magbago pa ang trend sa mga susunod na linggo.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.