Luzon quarantine: Ilang gasolinahan mananatiling bukas

ABS-CBN News

Posted at Mar 17 2020 10:57 AM

MAYNILA -- Inihayag ng ilang oil firm na mananatiling bukas ang kanilang mga gasoline station habang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Sa abiso ng Shell at Petron, sinabi ng mga kompanya na bukas pa rin sila habang naghihintay ng bagong direktiba mula sa gobyerno.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, suspendido ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan gaya ng mga jeep at bus.

Papayagan naman sa mga kalsada ang mga pribadong sasakyan basta ang mga sakay nito ay papunta sa mga negosyong nagbibigay ng basic necessities gaya ng mga palengke, supermarket at grocery, ospital, clinics, at botika.

Ipinatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.