PatrolPH

#WalangTubig: Ilang lugar sa Rizal, Marso 17-18

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2021 04:16 PM

#WalangTubig: Ilang lugar sa Rizal, Marso 17-18 1
Mga water meter sa Barangay CEMBO, Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Nasa higit 99,000 kabahayan at establisimyento sa Rizal province ang makararanas ng water service interruption simula Miyerkoles, Marso 17, sabi ngayong Martes ng Manila Water.

Ayon sa Manila Water, bunsod umano ito ng maintenance activities sa Siruna Pumping Station sa Barangay Mambugan, Antipolo City.

Magsisimula umano ang interruption alas-9 ng gabi ng Miyerkoles hanggang alas-6 ng umaga ng Huwebes, Marso 18.

Narito ang mga apektadong barangay:

ANTIPOLO CITY

  • Bagong Nayon
  • Beverly Hills
  • Mambugan (Sitio Ruhat, Francisville-upper, Metroview, Siruna Road)
  • Mayamot (Pagrai area only)
  • Cupang (Pagrai area only)
  • Dalig (except along Road to Teresa, Tapales, Gamboa)
  • Dela Paz
  • Sta. Cruz (except Barrington Subd.)
  • San Isidro
  • San Roque
  • San Luis
  • San Jose
  • San Juan
  • Inarawan

TERESA

  • Poblacion
  • San Gabriel
  • May-Iba
  • Dulumbayan
  • Calumpang
  • Sto. Cristo
  • Prinza
  • Bagumbayan
  • Dalig
  • San Roque

MORONG

  • San Guillermo

BINANGONAN

  • Tayuman

ANGONO 

  • Mahabang Parang

TAYTAY

  • Dolores

Inabisuhan din ng Manila Water ang mga apektadong kostumer na mag-ipon ng tubig na sapat lang para sa interruption period.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.