MAYNILA - Nababahala ang tourism department sa epekto ng oil spill sa Mindoro dahil nasa 61 tourism sites ang apektado.
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga beach resort, ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco.
"At this point, as I am aware, there are 61 sites that are affected in Oriental Mindoro and several beach resorts that have also been negatively impacted. So it’s an ongoing collaborative effort to manage the situation that is led by the DENR and we are here to assist our tourism workers," ani Frasco.
Ngayon, nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensiya gaya ng Department of Labor and Employment para tulungan ang mga apektadong tourism worker.
Inihahanda na rin ang mga tourist destination gaya ng Boracay na naglalagay na ng oil slick booms sa paligid ng isla.
Ayon sa Pola LGU, nag-kansela na ng mga booking ang mga turistang magbabakasyon sana sa kanilang lugar.
Kabilang dito ang 11 coastal barangay na napinsala ng tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Habang mahgit 500 ektarya ng mangrove ang tinamaan.
-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.