PatrolPH

ALAMIN: Taas-presyo sa petrolyo sa Marso 16

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2021 12:56 PM | Updated as of Mar 15 2021 06:57 PM

ALAMIN: Taas-presyo sa petrolyo sa Marso 16 1
Gasoline station sa Quezon City noong Hulyo 20, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) — Matapos magkaroon ng tapyas noong nakaraang linggo, muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo epektibo Martes, Marso 16, ayon sa mga kompanya ng langis.

Ayon sa Shell, Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz, Caltex, PTT Philippines, Unioil, Flying V, Phoenix Petroleum at Petron, tataasan nila nang P1.25 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P0.90 ang kada litro ng diesel.

Magpapatupad din umano ang Shell, Seaoil, Caltex, Flying V at Petron ng P0.85 na taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ia-adjust ang mga presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad ng price adjustment alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapalit ng presyo alas-4:01 ng hapon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.