PatrolPH

Petrolyo may inaasahang taas-presyo simula Marso 16

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2021 05:41 PM

MAYNILA - Inaasahan ang tinatayang P0.85 hanggang P1.25 na kada litrong taas-presyo sa ilang produktong petrolyo simula Martes, Marso 16.

Inaasahang taas-presyo:

  • Gasolina - P1.15 - P1.25/litro 
  • Kerosene - P0.80 - P0.90/litro 
  • Diesel - P0.75 - P0.85/litro

Ang gasolina, may nasa P1.15 hanggang P1.25 kada litrong inaasahang dagdag.

Samantala, ang kerosene, inaasahang may dagdag-peresyo na P0.80 hanggang P0.90 kada litro.

Ang diesel naman, may nagbabadyang dagdag na P0.75 hanggang P0.85 kada litro. 

Paliwanag ng mga eksperto, tataas ang presyo ng petrolyo dala ng missile attack sa Saudi Arabia noong Martes, malaking bawas sa imbentaryo ng langis ng Estados Unidos, at inaasahang pagtaas ng pangangailangan sa langis dulot ng pagdami ng nabakunahan kontra COVID-19 sa mga mayayamang bansa. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.