PatrolPH

Singil sa tubig ng Maynilad may bawas, Manila Water may dagdag

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2021 02:28 PM | Updated as of Mar 11 2021 08:40 PM

Singil sa tubig ng Maynilad may bawas, Manila Water may dagdag 1
Nag-iipon ng tubig ang ilang residente sa Barangay Holy Spirit, Quezon City sa isang tanker noong Setyembre 6, 2020 nang mawalan ng suplay ng tubig ang ilang konsumer ng Maynilad. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - May inaasahang pagbaba sa presyo ng bill sa Maynilad, habang may bahagyang pagtaas naman sa singil sa mga konsumer ng Manila Water sa pagpasok ng bill sa Abril, ayon sa Metropolitan Water Sewerage System. 

Nasa P0.05 kada cubic meter ang inaasahang dagdag-singil sa Manila Water, habang may P0.01 kada cubic meter naman ang bawas-singil sa Maynilad. 

Watch more on iWantTFC

Paliwanag ng mga taga-industriya, ito ay dahil sa foreign currency differential adjustment, na epekto ng palitan ng piso kontra dolyar at yen.

Samantala, umarangkada muli ang putulan sa tubig na natengga noong isailalim ang bansa sa mas mahigpit na lockdown protocols. 

Pero agad namang naibabalik ang koneksiyon matapos makabayad ang mga customer.

Blangko rin ang MWSS kung kailan lalabas ang bagong concession agreement sa pagitan ng gobyerno, Maynilad, at Manila Water.

Pero ang mga ipinagpalibang dagdag-singil, puwedeng magkapatong-patong sa susunod na pagbusisi ng rates sa 2022. 

Hanggang 2022 lang ang concession agreement sa Maynilad at Manila water kasunod ng naranasang water crisis noong 2019. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.