PatrolPH

Presyo ng gulay sa Galas Market nagtaas dahil sa serye ng mga oil price hike

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2022 01:02 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - May taas-presyo ang ilang gulay sa Galas Public Market sa Quezon City sa harap ng sunod-sunod ng oil price hike.

Naglalaro sa P10 hanggang P150 ang itinaas ng presyo ng ilang gulay, gaya ng mga sumusunod: 

  • Green bell pepper P250-300/kilo (dati P150/kilo)
  • Red bell pepper P300/kilo (dati P140/kilo)
  • Broccoli P230/kilo (dati P150/kilo)
  • Carrots P120/kilo (dati P80/kilo) 
  • Siling berde P120/kilo (dati P40/kilo) 
  • Cauliflower P150/kilo (dati P100/kilo)
  • Pipino P100/kilo (dati P60/kilo)
  • Ampalaya P120/kilo (dati P90/kilo)
  • Repolyo at Petchay Baguio P60-70/kilo (dati P40)
  • Kamatis P100/kilo (dati P50/kilo)
  • Calamansi P110/kilo (dati P80/kilo)
  • Sayote P40/kilo (dati P30/kilo)
  • Talong P70/kilo (dati P50/kilo)

Nasa P325 naman kada kilo ang sariwang laman ng baboy, habang nasa P360 hanggang P370 ang kada kilo ng liempo. 

Mabibili naman sa P230 ang frozen na laman ng baboy, habang nasa P260 ang frozen liempo. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.