Presyo ng gasolina tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2019 09:04 PM

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina simula Martes, Marso 12.

Ayon sa Petro Gazz at Shell, tataas ng P0.90 ang kada litro ng kanilang gasolina simula alas-6 ng umaga.

Wala namang galaw ang presyo ng kerosene at diesel.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.