Presyo ng mga produktong petrolyo may rollback

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2020 04:09 PM


MAYNILA — Isa na namang rollback ang ipatutupad ng mga gasolinahan matapos bumaba ang presyo ng langis sa world market.

Unang nagbawas sa presyo ang Phoenix Petroleum nitong umaga ng Sabado.

ROLLBACK NG PHOENIX

  • Diesel → P0.75/litro
  • Gasolina → P1.20/litro

Susundan ito ng Cleanfuel alas-4 ng hapon Linggo. 

ROLLBACK NG CLEANFUEL

  •  Diesel → P0.75/litro
  •  Gasolina → P1.20/litro

Wala pang anunsiyo kung magkano ang bawas-singil ng iba pang kompanya ng langis pero inaasahan ito bago mag-Martes.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.