PatrolPH

Petrolyo may rollback sa Martes matapos ang 4 sunod na oil price hike

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2021 05:50 PM

Petrolyo may rollback sa Martes matapos ang 4 sunod na oil price hike 1
Mark Demayo, ABS-CBN News/File 

MAYNILA - Matapos ang apat na linggong oil price hike, may rollback na inaasahan sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang rollback:
• Gasolina - P0.10-P0.20/litro 
• Kerosene - P0.50-P0.60/litro 
• Diesel - P0.40-P0.50/litro

May rollback na P0.10 hanggang P0.20 kada litro sa presyo ng gasolina.

Inaasahan namang aabot sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang rollback sa kerosene.

Sa presyo naman ng diesel, inaasahan ang rollback na P0.40 hanggang P0.50 kada litro. 

Pero paliwanag ng mga eksperto, pansamantala lang ang rollback dahil posible muling tumaas ang presyo sa world market. 

Sa nakaraang apat na linggo, sa kabuuan, umabot sa P4.15 ang itinaas sa presyo ng diesel, P4.05 sa gasolina, at P3.08 naman sa kerosene. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.