Presyo ng petrolyo, tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2018 03:12 PM

Magkakaroon ng dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Marso 6, ayon sa abiso ng ilang kompanya ng langis.

Nasa P0.50 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang P0.30 naman sa diesel. 

Tataas naman ng P0.80 ang presyo kada litro ng kerosene.

Ito ang ikalawang sunod na linggong nagkaroon ng dagdag sa presyo ng petrolyo.

OIL PRICE HIKE

Shell, SEAOIL (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE +P0.50/L
DIESEL +P0.30/L
KEROSENE +P0.80/L

Flying V (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE +P0.50/L
BIODIESEL +P0.30/L
KEROSENE +P0.80/L

PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE +P0.50/L
DIESEL +P0.30/L

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.