Malaki ang tinatayang itataas sa singil sa kuryente ng Meralco sa March billing.
Paliwanag ng Meralco, tumaas ang presyuhan ng suplay ng kuryente dahil sa halos 2 linggong maintenance shutdown dahil gumagamit ng mas mahal na fuel ang mga planta imbis na natural gas.
"Sana di umabot ng piso pero baka malapit sa piso so eh di pa natin alam kasi wala pang billing.... Kung diesel pa lang ang titingnan mo nasa around 70-80 centavos na," ani Atty. Ronald Vallez, head ng Meralco Regulatory Affairs.
Dahil malaki na ang inaasahang dagdag-singil, naghahanap na ng paraan ang Meralco para masalang ang epekto sa konsumers.
"We plan to write to the ERC to request for assistance kung paaano imamanage and I am taking generators to request kung pwedeng idefer ng ilang buwan ang mga collection para mahati impact sa customers kasi medyo malaki nga," ani Valles.
Nakikipag-negosasyon pa rin ang Meralco sa planta ng Aboitiz para sa murang suplay ng kuryente sa buwan ng Marso.
Umalma naman dito ang grupong Bayan Muna.
"Ang mga kawawang konsyumer na naman ang maiipit sa napakataas na pagbenta ng Aboitiz ng kanilang kuryente papunta sa Meralco dahil ang meralco ay ipapasa lang din naman ito sa consumers," ani Bayan Muna EVP Carlos Zarate.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.