Nababahala ang ilang maliliit na negosyo, maging ang ilang eksperto sa komento ni Duterte na sa taong 2023 pa maakabalik sa normal ang Pilipinas sa gitna ng pandemya.
Babala ng economist na si Calixto Chikiamco, maaaring mawalan ng kumpiyansa ang mga negosyante, namumuhunan, at mismong mga konsyumer.
"It is kind of scary, because it will put a chill on consumption, it will put a chill on lending, it will put a chill on investments. It is quite a pessimistic scenario, because that will mean you will have 2 more years where you have some kind of lockdown, and mobility restrictions, and this will of course take a toll on economy,” ani Chikiamco.
Dagdag pa ni Laban Konsyumer president Vic Dimagiba: "Kung walang input or information, na galing sa iba-ibang sektor, sektor ng mangagawa, sektor ng negosyante, sektor konsyumer, baka po maging mainculclate ng national leadership na 'yun na nga 'yung timeline. Dito po sa ASEAN, ang nababasa ko, mga kapitbahay nating bansa, baka by the end of the year back to their normal place na sila."
Linggo ng gabi, Pebrero 28 nang sabihin ni Duterte na taong 2023 pa makakarekober ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic, na nakaapekto sa maraming negosyo.
Para sa ilang may-ari ng maliliit na negosyo, gaya ni Isabel Sabio na may-ari ng isang canteen, masakit ito lalo’t napilitan siyang magtanggal ng tao dahil sa pandemya.
"Parang ang tagal naman, diba may vaccine na ngayon. Eh parang ang ineexpect ko na malipat na, may vaccine na eh," ani Sabio.
Ganito rin ang pananaw ni Melda Serrano, na may-ari ng isang agri store.
Nabubuhay sila aniya sa mga online sale pero hindi pa rin bumabalik ang lakas ng benta kung ikukumpara bago tumama ang COVID-19.
"Ay, masyado pong mahaba kung ganyan, dapat po by this year ma ano na po, para makaahon ahon ang ekonmiya ng Pilipinas,” ani Serrano.
Pero tingin naman ni trade chief Ramon Lopez na maghihintay pa ang Pilipinas nang hanggang 2023 para tuluyang buksan ang ekonomiya.
"I think he's really refering to 'yung normal situation that's like the pre-pandemic. You know, even the mobility of the people, 'yung walang restriction at all, walang age restriction, et cetera,” ani Lopez.
Ayon kasi kay Duterte, maaari siyang pumayag na luwagan ang quarantine kung makakapag-stock ang Pilipinas ng 2 milyong dose ng bakuna.
— Ulat ni Warren De Guzman, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Duterte, PH, ekonomiya, Rodrigo Duterte, negosyo, business, Calixto Chikiamco, lockdown, COVID-19 pandemic, COVID-19 pandemic economy