PatrolPH

Presyo ng petrolyo may pagtaas sa pagpasok ng Marso

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 11:26 AM | Updated as of Mar 01 2021 06:26 PM

Presyo ng petrolyo may pagtaas sa pagpasok ng Marso 1

MAYNILA (UPDATE) – Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang produkto sa Martes, Marso 2.

Ayon sa Shell, Cleanfuel, Caltex, PTT Philippines, Seaoil, Petro Gazz, at Unioil, tataasan nila ng P1 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P0.85 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, at Caltex ng P0.70 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust alas-4:01 ng hapon.

Inanunsiyo rin ng Solane na magpapatupad sila ng P0.65 taas-presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula alas-6 ng umaga ngayong Lunes.

Nasa P0.82 naman ang taas-presyo na ipinatupad ng Petron sa kada kilo ng kanilang LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi habang P0.46 naman sa kada litro ng auto-LPG.

– Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.