PatrolPH

Presyo ng LPG may rollback simula Marso 2

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2020 06:36 PM | Updated as of Mar 01 2020 06:55 PM

MAYNILA (UPDATE) — Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magkakaroon ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto simula Lunes, Marso 2.

Nasa P3.90 ang bawas-presyo ng Petron at Phoenix LPG Philippines sa kada kilo ng LPG habang P2.20 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng auto-LPG.

Babawasan naman ng Solane ang presyo ng kanilang LPG nang P3.49 kada kilo. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.