Petrolyo may bawas-presyo sa simula ng Marso

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2020 01:51 PM | Updated as of Mar 02 2020 07:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Magpapatupad ang mga oil firm ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto sa unang linggo ng Marso.

Simula 4:01 ng hapon ng Linggo, Marso 1, babawasan ng Cleanfuel nang P1.60 ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel at P1.40 sa kada litro ng gasolina.

Parehong halaga rin umano ang itatapyas ng Shell, Petro Gazz, at Seaoil sa gasolina at diesel simula Martes, Marso 3.

Magpapatupad din ang Shell at Petro Gazz ng P1.65 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.