PatrolPH

Presyo ng petrolyo bababa sa katapusan ng Pebrero

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2023 12:27 PM | Updated as of Feb 27 2023 08:09 PM

Gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News
Gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa huling araw ng Pebrero habang inaasahan ding matatapyasan ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Marso.

Watch more News on iWantTFC

Base sa anunsiyo ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng bawas-presyo na ipatutupad sa Martes, Pebrero 28:

 Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.70/L
DIESEL -P1.30/L
KEROSENE -P1.80/L

 Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.70/L
DIESEL -P1.30/L

 Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.70/L
DIESEL -P1.30/L
KEROSENE -P1.80/L

Petro Gazz, Jetti Petroleum, Unioil, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.70/L
DIESEL -P1.30/L

Bukod dito, inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng LPG sa Miyerkoles, Marso 1, na maglalaro sa P4 hanggang P5 kada kilo.

May nakikita namang ilang salik na posibleng magpataas sa presyo ng petrolyo sa world market ngayon linggo, kabilang ang banta ng Russia na magbawas ng produksiyon bilang protesta sa paglimita o price cap ng Europa.

"Kapag totally cut na ang production nila, on top of the oil embargo implemented last December, so 'yong ample supply sa world market, apektado, so may tsansa tumaas ulit ang presyo," ani Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Kuryente

Samantala, nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng numipis ang supply ng kuryente sa tag-init dahil sa pagsipa ng konsumo.

Ang ikinababahala umano ng NGCP ay ang "unplanned shutdown" o biglaan at sabay-sabay na pagpalya ng mga planta, na nangyari na dati at puwedeng magdulot ng yellow o red alert na maaaring mauwi sa brownout.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.