ALAMIN: Inaasahang taas-presyo ng gasolina sa pagpasok ng Marso

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2021 04:24 PM


MAYNILA - Inaasahan ang oil price hike sa Martes, ang ikaapat na sunod na linggong may taas-presyo, ayon sa mga taga-industriya. 

 Inaasahang taas-presyo:

  •  Gasolina - P1.20-P1.30/litro 
  •  Kerosene - P1 -P1.05/litro 
  •  Diesel - P0.90- P1/litro

Inaasahang tataas ng P0.95 hanggang P1.05 ang kada presyo ng gasolina. 

Posible namang tumaas ng P0.70 hanggang P0.80 ang kada litro ng diesel, at P0.6 hanggang P0.70 ang kada litro ng kerosene. 

Epekto ang taas-presyo ng nagdaang snow storm sa Texas na malaki ang epekto sa produksyon ng langis ng Estados Unidos. 

Tumaas din ang demand ng langis kasunod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Noong Pebrero, tumaas ng P3.30 ang kada litro ng diesel. 

Samantala, tumaas ng P3.05 ang kada litro ng gasolina, habang tumaas ng P2.85 ang presyo ng kerosene. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.