PatrolPH

Rollback sa petrolyo, LPG namumuro sa katapusan ng buwan

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2023 04:29 PM

MAYNILA - May inaassahang rollback sa petroleum products maging sa liquefied petroleum gas (LPG) sa katapusan ng buwan. 

Ang kompanyang Regasco, nag-rollback muli ng kanilang petroleum products dahil lalo pa raw bumagsak ang contract price ng LPG sa world market. 

"Ang pananaw namin mga another 5 days to go before end of the month, so nakikita namin kung magbababa pa may konting ibaba pa pero hwag nating iexpect ang itinaas nung Pebrero palagay ko di aabot dun," ani Regasco president Arnel Ty. 

Rollback din ang inaasahan sa diesel at gasolina. 

Nasa P1.68 na ang ibinaba ng presyo ng kada litro ng diesel; P1.01 kada litro naman ang ibinaba ng presyso ng gasolina at P1.90 naman sa kerosene. 

Pababa ang direksiyon ng presyo dahil sa ilaang factors sa Amerika, ayon sa Department of Energy. 

"Ito ay kadahilanan ang US ay naglabas ng bagong interest rate hike sa monetary policy pag address ito ng inflation. Second nakita malaking build up sa imbentaryo ng US sa kanilang krudo," ani DOE Assistant Director Rodela Romero. 

Pero wala pang pababang trend sa presyuhan ng imported na petroleum kaya maaaring bumaligtad pa ang presyo sa mga susunod na linggo. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.