Idine-demo ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa dry run sa isang vaccination hub sa Taguig City noong Enero 27, 2021. George Calvelo, ABS-CBN News
Balak mag-order ng isang grupo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese ng mga bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac, na ibibigay umano nila nang libre sa kanilang mga empleyado at mga pamilya ng mga ito.
Hanggang kalahating milyong dose ng Sinovac vaccine ang balak order-in ng grupong Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).
Ayon kay Francis Chua, dating tagapamuno ng FFCCCII, iba-ibang vaccine manufacturer ang kinausap nila pero lumitaw na ang China-based firm na Sinovac ang unang makapagbibigay ng order.
Aabutin ng P325 milyon ang order dahil tig-P650 ang kada dose ng bakuna.
Samantala, halos P1 bilyon ang gagastusin ng San Miguel Corp. (SMC) para ma-vaccinate ang 70,000 manggagawa nito.
Bumuo na ng "Ligtas Lahat" task force ang kompanya para kumuha ng bakuna galing sa iba't ibang manufacturers.
Ayon kay SMC President Ramon Ang, swak sa kanilang layuning magmalasakit ang pagbabakuna para matiyak na ligtas at malusog ang mga manggagawa.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc, FFCCCII, bakuna, Covid-19 vaccine, Covid-19 vaccine workers, manggagawa, labor, San Miguel Corporation, coronavirus disease, Fil-Chinese group, Fil-Chinese businessmen