PatrolPH

Presyo ng petrolyo tataas simula Pebrero 23

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2021 12:14 PM | Updated as of Feb 22 2021 06:06 PM

Presyo ng petrolyo tataas simula Pebrero 23 1

MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Pebrero 23, ayon sa mga kompanya ng langis.

Nag-abiso ang Shell, Cleanfuel, Seaoil, Petro Gazz, Caltex, PTT Philippines, Petron at Flying V na tataasan nila nang P1.20 ang presyo ng kada litro ng gasolina at P0.95 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Petron at Flying V ng P1 taas-presyo sa kada litro ng kerosene. Nasa 1.05 naman umano ang taas-presyo sa kerosene ng Caltex.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magpapalit alas-4:01 ng hapon.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.