Gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
(UPDATE) Nakatakdang tumaas ang presyo ng gasolina at diesel habang bababa naman ang presyo ng kerosene sa Martes, Pebrero 21.
Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad nilang price adjustment:
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P1.05/L
KEROSENE -P0.25/L (rollback)
Shell, Seaoil, Flying V, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P1.05/L
KEROSENE -P0.25/L (rollback)
PTT Philippines, Jetti Petroleum, Petro Gazz, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P1.05/L
Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P0.90/L
DIESEL +P1.05/L
Lumobo pa umano ang dagdag-presyo kompara sa naunang tantiya dahil sa pagtaas ng freight cost ng mga oil company.
"Kamukha po noong nakaraang panahon bumaba po ang freight cost because of the pandemic dahil mahina ang demand pero ngayon tumataas ang demand madami ring pangangailangan sa tanker barges ng oil," ani Rodela Romero, assistant director ng Oil Industry Management Bureau.
Simula Enero 1, may P6 kada litrong net increase sa presyo ng gasolina habang P1.10 kada litro at P0.50 kada litro na net rollback naman sa diesel at kerosene, ayon sa pagkakabanggit.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.