PatrolPH

Oil price hike nagbabadya sa ika-2 sunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2021 03:36 PM

Oil price hike nagbabadya sa ika-2 sunod na linggo 1
Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Nagbabadya ang oil price hike sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang taas-presyo:

• Gasolina - P1.20-P1.30/litro 
• Kerosene - P1 -P1.05/litro 
• Diesel - P0.90- P1 /litro

Ang dagdag-presyo ng gasolina tataas ng P1.20 hanggang P1.30 kada litro. 

Samantala, ang presyo ng diesel, posibleng tumaas nang P0.90 hanggang P1 kada litro. 

Ang presyo ng kerosene, posibleng madagdagan ng P1 hanggang P1.05 kada litro. 

Epekto ito ng matinding snow storm sa US at pagtaas ng demand sa heating oil dahil sa tindi ng lamig.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.