PatrolPH

#WalangTubig: Ilang barangay sa Caloocan, Malabon, Navotas

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 03:06 PM | Updated as of Feb 18 2020 03:25 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang Maynilad na magkakaroon nang halos 14 oras na water interruption ang 9 barangay sa Caloocan, Malabon, at Navotas na magsisimula ngayong hapon ng Martes, Pebrero 18. 

Ayon sa abiso ng water concessionaire, magsisimula ito bandang alas-4 ng hapon at magtatagal hanggang alas-6 ng umaga sa susunod na araw, Pebrero 19. 

Apektado rito ang sumusunod na mga lugar:

Caloocan City
• Barangay 12
• Barangay 14
• Barangay 20
• Barangay 28
• Barangay 31
• Barangay 35

Malabon City
• Barangay Longos (Lapu-Lapu, Hiwas, Dalagang Bukid, at Dagat-Dagatan Ave.)

Navotas City
• Barangay Northbay Blvd
• Barangay Bangkulasi

Ito ay dahil sa isasagawang leak repair sa kahabaan ng C3 Rd. malapit sa Dagat-Dagatan Ave.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.