Presyo ng gasolina tataas; diesel at kerosene bababa sa Pebrero 18

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 10:38 AM | Updated as of Feb 17 2020 01:27 PM

(UPDATE) Ilan pang oil firm ang nag-anunsiyo ngayong Lunes ng paggalaw ng presyo ng kanilang mga produkto, na ipatutupad simula Martes, Pebrero 18.

Ayon sa Total, Caltex, at Phoenix Petroleum, tataasan nila ang presyo ng gasolina ng P0.35 kada litro at babawasan naman ang presyo ng diesel ng P0.10.

Magpapatupad din ang Caltex ng P0.10 bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Parehong paggalaw sa presyo rin ang ipatutupad ng Cleanfuel sa kanilang diesel at gasolina pero sa hatinggabi ng Miyerkoles, Pebrero 19, pa ito magiging epektibo.

Nauna nang mag-anunsiyo ang Seaoil, Petro Gazz, at Shell ng bawas sa presyo ng kerosene at diesel, at dagdag sa presyo ng gasolina. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.