Presyo ng diesel babawasan, gasolina tataasan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 03:21 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng bawas sa presyo ng diesel at pagtaas sa presyo ng gasolina simula Martes, Pebrero 18, ayon sa ilang kompanya ng langis.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, at Seoil, tatapyasan nila ng P0.10 ang kada litro ng diesel at tataasan naman ng P0.35 ang kada litro ng gasolina.

Babawasan din ng Shell at Seaoil ng P0.10 ang kada litro ng kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.