Iniimbestigahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ang panibagong water interruption ng Maynilad.
Nagpatupad ng panibagong water interruption ang Maynilad sa ilang parte ng southern Metro Manila at Cavite, bunsod ng paglabo ng suplay ng tubig galing sa Laguna Lake.
Mula sa normal na 280 milyon hanggang 300 milyong litro kada araw na produksyon nasa 260 milyon lang ang napoproseso ng Maynilad.
"The monitoring is constant and that is part of the mandate of the regulatory office and we also receive complaints from consumers and we are validating it and these are part of the investigation to make sure na nagagawa ang tamang trabaho at napuproteksyunan ang interes ng customers," ani MWSS officer in charge Lee Robert Britanico.
Nilinaw ng MWS-RO na hindi kailangang sumobra ng 15 araw ang tuloy-tuloy na water interruption para mapatawan ng penalty ang isang concessionare.
Ang problema ng Maynilad, konektado sa kanilang performance ngayon ang kasunod nilang dagdag-singil sa 2024.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.