Nangangamba ang ilang tindera sa plano ng Department of Agriculture na magpuwesto ng Kadiwa stores sa ilang palengke sa Metro Manila.
Ayon sa mga nagtitinda, hindi nila kayang sabayan ang presyo ng mga produkto sa mga Kadiwa store
Sabi ng tindera ng gulay na si Anday Santos, minsan nasa P10 lamang ang tubo niya kada kilo
"Kasi kawawa naman kami. 'Yung tao sa sa Kadiwa pupunta," ani Santos.
Tulad ni Santos, nag-aalala si Monica Dollente na mababaon siya lalo sa utang kung matuloy ito
Pero ayon sa tindera, hindi naman siya tututol dito kung mabibigyan din siya ng oportunidad na makabili din ng suplay mas murang halaga
Gusto namin mura nahihirapan mamimili kami nahihirapan.
Kung ang mga mamimili naman ang tatanungin, pabor sila sa paglalagay ng kadiwa store sa mga palengke
Ayon kay Edwin Pasinos, dinadayo ng misis niya ang mga Kadiwa stores tuwing may nababalitaan dahil malaki and natitipid nila.
Sa ngayon kasi dahil sa taas ng bilihin, isang beses kada linggo na lang kumakain ng karne ang pamilya niya.
Kailangan din niyang mamalengke araw araw ng mga tinging bilihin dahil hindi kaya ng budget niya na bumili ng suplay na tatagal ng isang linggo
Ilan sa mga produktong prayoridad na maibenta ay sibuyas, bawang, itlog, at kamatis na nagkaproblema sa suplay nitong mga nakaraang buwan.
Plano ng DA na makipag-ugnayan sa mga farmer cooperative na handang magbagsak ng kanilang mga produkto sa mga palengke.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.