MAYNILA (UPDATE) – Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Pebrero 16.
Ayon sa Shell, Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz, Caltex, Petron, Unioil, PTT Philippines, at Flying V, tataas nang P1.25 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P0.75 naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Magkakaroon din umano ang Shell, Seaoil, Caltex, Petron at Flying V ng P1.10 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na maga-adjust alas-4:01 ng hapon.
– Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, konsumer, langis, petrolyo, diesel, gasolina, kerosene, oil prices, oil price hike, Shell, Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz, Caltex, Petron, Unioil, PTT Philippines, Flying V, price patrol, busina sa petrolyo, busina