PatrolPH

Higit P1 na dagdag-singil sa diesel, kerosene nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2021 09:16 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Aabutin ng mahigit P1 ang inaasahang dagdag-singil sa diesel at kerosene sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.

Inaasahang taas sa presyo ng mga produktong petrolyo:

  • Gasolina - P0.75-P0.85/litro 
  • Kerosene - P1.10-P1.20/litro 
  • Diesel - P1.20-P1.30/litro

Maglalaro sa P1.20 hanggang P1.30 ang itataas sa presyo ng diesel. 

Ang kerosene may P1.10 hanggang P1.20 ang inaasahang dagdag. 

Samantala ang gasolina, may inaasahang pagtaas na P0.75 hanggang P0.85. 

Paliwanag ng mga eksperto, malaki ang pagbaba sa imbentaryo ng langis sa Estados Unidos, at nabawasan ang produksyon ng langis sa Saudi Arabia. 

Bukod dito, maganda ang nakikitang pangyayari tungkol sa bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19). 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.