PatrolPH

Ika-7 na taas-presyo sa langis nagbabadya sa Pebrero 15; transport group umaaray

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2022 03:07 PM

MAYNILA—Sa ika-7 sunod na linggo ay magkakaroon ng taas-presyo sa langis. 

Ang gasolina, may P1.10 hanggang P1.20 na dagdag presyo kada litro. 

Inaasahan namang papalo sa P0.90 hanggang P1 ang taas-presyo sa diesel, habang P0.60 hanggang P0.70 sa kerosene. 

Inaasahang taas-presyo ng petrolyo 

  • Gasolina - P1.10-P1.20/L
  • Diesel - P0.90-P1.00/L
  • Kerosene - P0.60-P0.70/L

May nakaambang invasion ng Russia sa Ukraine na dahilan ng taas-presyo. 

Huling nagkaroon ng rollback noong Disyembre 28. 

Ibig sabihin, hindi pa nakakatikim ng rollback sa presyo ng petrolyo ang mga motorista ngayong 2022. 

Watch more News on iWantTFC

Halos P10 na ang taas-presyo sa diesel, bagay na idinadaing ni Piston national president Mody Floranda. 

Aniya, kakarampot na lang ang kanilang kita ngayon at mapapalala pa ito oras na itaas ulit ang presyo ng petrolyo sa Martes. 

" ’Pag tiningnan natin sa loob ng 1 and a half months ng 2022 halos umaabot na ng P10.30 per liter ang idinagdag. Kaya nagdudulot ito na aptuloy na paggiit ng kita hindi lahat ng jeepney driver lalo na't limitado pa rin ang transportasyon," ani Floranda sa panayam sa Teleradyo. 

—May mga ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.