Ilan pang oil firms nag-abiso ng bawas-presyo

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2020 03:53 PM | Updated as of Feb 10 2020 07:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ilan pang kompanya ng langis ang nag-abiso na magpapatupad sila ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto sa Martes, Pebrero 11.

Ayon sa Total, Caltex, Petro Gazz, Shell, PTT Philippines, Flying V, at Petron, babawasan nila ng P0.60 ang presyo ng kada litro ng diesel at P0.30 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Magpapatupad naman ang Caltex, Shell, Flying V, at Petron ng P1.40 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Nauna nang magpatupad ng rollback nitong weekend ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel habang ngayong Lunes naman ang Seaoil.

Pagkalat ng novel coronavirus ang sinasabing pangunahing dahilan ng pagbagsak ng presyo ng langis sa buong mundo matapos humina ang pangangailangan ng China dahil sa pagsara ng mga pabrika at paglimita ng mga biyahe sa loob ng bansa.

Mula Enero 14 hanggang Pebrero 11, umabot na sa P4.90 ang kabuuang ibinaba ng presyo ng kada litro ng diesel habang P3.05 naman sa kada litro ng gasolina. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.