Mga gasolinahan nag-anunsiyo ng rollback

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2020 02:51 PM

MAYNILA — Kasunod ng pagpapatupad ng Phoenix Petroleum ng kanilang rollback noong Sabado, nag-anunsiyo na rin ang iba pang gasolinahan ng kanilang tapyas-presyo. 

Ang Clean Fuel, magsisimula ang rollback ngayong Linggo, 4:01 ng hapon. 

ROLLBACK NG CLEAN FUEL

  • Gasoline → P0.30/litro
  • Diesel → P0.60/litro 

Ang rollback naman ng Seaoil ay aarangkada alas-6 ng umaga Lunes, Pebrero 9. 

ROLLBACK NG SEAOIL

  • Gasoline → P0.30/litro
  • Kerosene → P1.40/litro
  • Diesel → P0.60/litro

Ang Petro Gazz, magpapatupad ng kanilang rollback simula alas-6 ng umaga Martes, Pebrero 11.

ROLLBACK NG PETRO GAZZ

  •  Diesel → P0.60/litro
  •  Gasoline → P0.30/litro

Samantala, alas-6 ng umaga Martes din magbabawas ng presyo ang Shell. 

ROLLBACK NG SHELL

  •  Gasoline → P0.30/litro
  • Kerosene → P1.40/litro
  •  Diesel → P0.60/litro 


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.