Hogs are kept inside their cages after feeding at a backyard pig pen in Paranaque City on September 16, 2019. Local authorities culled more pigs and prepared charges against those dumping dead hogs in sewers as the Philippines moved to contain an outbreak of African swine fever. George Calvelo, ABS-CBN News/file
MAYNILA - Nagbabala ang Department of Agriculture nitong Lunes na maaaring magkulang ang supply ng baboy ngayong taon.
"Itong taon na ito may potential na ng deficit so inaaral natin way ahead of time. May deficiency kasi yung African swine fever nandyan pa po," ani Agriculture Secretary William Dar.
Nauna nang nakiusap ang Philippine Association of Meat Processors Inc sa ahensiya na payagang mag-angkat ang hog raisers ng baboy nang walang tariff.
"Kailangan talaga po magimport dahil ang farm producers sila mismo umamin na. Ever since 1996 nagiimport tayo ng baboy, ngayon lang sial umamin na magkakaroon ng shortage at may shortage na nga," ani Jess Cham, presidente ng Meat Importers and Traders Association.
Nagsimula naman nitong weekend ang pagtulong ng ahensiya sa pagpapadala ng mga baboy sa Metro Manila mula sa iba't ibang parte ng bansa upang bumaba ang presyo nito at pumasok sa price cap na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa 10,000 ulo ng baboy ang ipapadala ng South Cotabato Swine Producers Association, ayon kay Dar.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, DA, Department of Agriculture, William Dar, hogs, hograising, Meat Importers and Traders Association