Presyo ng diesel may higit P1/L pagtaas simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2021 01:42 PM | Updated as of Feb 08 2021 06:45 PM

(UPDATE) Nag-abiso ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang produkto simula Martes, Pebrero 9, 2021.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Caltex, Petron, PTT Philippines, at Flying V, P1.10 ang kanilang itataas sa kada litro ng diesel habang P0.85 naman sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng P1 taas-presyo sa kada litro ng kerosene ang Shell, Seaoil, Caltex, Petron, at Flying V.

Ipatutupad ang mga bagong presyo alas-6 sa umaga maliban sa Caltex na magtataas alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust alas-4:01 ng hapon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.