PatrolPH

Big-time rollback sa presyo ng petrolyo ipatutupad sa Pebrero 7

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2023 02:00 PM | Updated as of Feb 06 2023 08:17 PM

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Matapos ang 3 sunod na dagdag-presyo, may big-time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Enero 7.

Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad nilang bawas-presyo:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P3/L
KEROSENE -P2.30/L

Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P3/L

Seaoil, Shell (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P3/L
KEROSENE -P2.30/L

Petro Gazz, PTT Philippines, Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P2.10/L
DIESEL -P3/L

Ang bawas-presyo ay bunsod ng pagbabalik ng pangamba sa global recession o paghina ng ekonomiya ng buong mundo, at paglakas ng imbentaryo ng Amerika.

Pagpatak ng rollback, tutungtong na sa P50 level ang pinakamurang diesel sa MetroManila gayundin ang 91 octane na gasolina.

Pero nasa higit P70 pa rin ang pinakamahal na diesel at higit P80 ang gasolina.

Supermarket products

Samantala, sangkaterbang supermarket products ang nagtaas-presyo ngayong Pebrero.

Kabilang umano rito ang ilang imported ready-to-drink juices, wine, beauty products, powdered detergent, powdered milk at ilang brands ng karneng de-lata na hindi kasali sa nirerendahan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa kabila ng apila ng manufacturers gaya ng canned meat, sardines, at Pinoy tasty at pandesal, nakatengga pa rin sa DTI ang hirit na dagdag-presyo ng mga pang-masang basic at prime commodities.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.