'Hugot lines' bida sa 'Love Train' ng LRT-1

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2018 12:24 PM | Updated as of Aug 28 2018 01:46 AM

Pasilip sa loob ng "Love Train" ng LRT-1. Jacque Manabat, ABS-CBN News

Umarangkada na ang "Love Train" ng LRT-1 na magpapakilig sa mga mananakay ngayong Martes, 8 araw bago ang Valentine's Day.

Hugot lines at mga mensahe ng pag-ibig ang bida sa mga tren na may mga disenyong makakalikasan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa pangasiwaan ng LRT-1, bukod sa romantikong pag-ibig, gusto rin nilang ipalaganap ang pagmamahal sa kalikasan ngayon "love month."

Puwedeng ibahagi ng mga mananakay ang love message o dedication nila sa pamamagitan ng pagti-tweet na may hashtag #LRT1Love. 

Ipapaskil sa mga tren at video walls sa lahat ng estasyon ng LRT-1 ang mga mensahe ng pag-ibig.

Nitong nakaraang taon, LRT-2 naman ang nagpakilig nang mamigay ng bulaklak sa mga pasahero noong Valentine's Day.

-- ulat mula kay Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.