PatrolPH

Higit P2 bawas-presyo sa langis aasahan sa Martes; mga tsuper natuwa

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2023 02:10 PM

MAYNILA - Inaasahan ang malaking bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes.

Ang ilang namamasada, umaasang tuloy-tuloy na ang rollback.

Matapos ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo nitong mga nagdaang linggo, posibleng bababa nang P2.60 hangang P3.00 bawat litro ang presyo ng diesel.

Aabot sa P1.80 hanggang P2.20 naman kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, habang nasa P2.40 hanggang P2.80 ang sa kerosene.

Masaya sa bawas sa presyo ang ilang namamasada gaya ng mga jeepney driver, lalo’t ayon sa kanila, malaki ang itinaas nito noong mga nakaraang linggo.

Idagdag pa ang mataas na presyo ng mga bilihin.

Ikinatuwa rin ito ng UV Express National Alliance of the Philippines.

Ayon sa presidente nilang si Exequiel Longares, makatutulong kahit papaano ang bawas sa presyo.

Pero umaasa silang magtutuloy-tuloy na ito.

Pangamba kasi ng ilan, baka patikim lang ang bawas presyo.

Maging ang mga food delivery riders, ikinatuwa rin ang inaasahang bawas sa presyo ng produktong petrolyo lalo na sa gasolina.

— Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.