ALAMIN: Bawas-presyo sa langis simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2019 03:10 PM | Updated as of Feb 04 2019 04:04 PM

(UPDATED) Ilang kompanya ng langis ang magpapatupad ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto simula Martes, Pebrero 5.

Ayon sa Caltex, PTT Philippines, TOTAL, at Shell, P0.60 ang kanilang ibabawas sa kada litro ng gasolina at P0.35 sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Caltex at Shell ng P0.20 bawas sa kada litro ng kerosene.

Magiging epektibo ang mga bagong presyo ng Caltex simula alas-12:01 ng hatinggabi habang alas-6 ng umaga naman magpapatupad ng bawas ang PTT Philippines, TOTAL, at Shell.

Nauna nang magpatupad nitong Lunes at noong weekend ng bawas-presyo ang ibang kompanya ng langis gaya ng SEAOIL, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.