PatrolPH

Presyo ng LPG inaasahang bababa simula Marso: grupo

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2019 07:46 PM

Watch more on iWantTFC

Walang dapat ipangamba ang mga konsumer sa taas-presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) nitong Pebrero dahil inaasahang bababa na ang presyo nito simula Marso, ayon sa isang grupo ng LPG marketers.

"Mag-start na bumaba ang presyo ng fuel due to the summer season," sabi ni LPG Marketers' Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty.

Kung dati, nasa P550 hanggang P620 lang ang presyo ng isang 11 kilogramo na tangke ng LPG, ngayon ay nasa P630 hanggang P700 na ito.

Nagtaas kasi kamakailan ang iba-ibang brand ng LPG ng P2 hanggang P3 kada kilo bunsod ng pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Isa rin umano sa dahilan sa pagtaas ng presyo ng LPG ay ang kinakaltas na buwis ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law at value-added tax na umaabot na P9 kada kilo.

Umaaray naman ang mga negosyante na gumagamit sa naturang produkto, gaya ni Bobby Dadulla, na may-ari ng karinderya.

Apat na tangke ng LPG umano ang nauubos nila kada araw.

"Magre-reduce na lang tayo ng serving sa pagkain at gagamit nang mas maliit na lagayan," ani Dadulla. --Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.